Ika-2 at ika-8 araw

Lahat ng galing sa ibang bansa patungong UK ay dapat ma-quarantine ng 10 araw mula sa kanilang pagdating at kumuha ng COVID-19 tests sa ika-2 at ika-8 araw.

Ang isang karaniwang araw lamang na 2 na pag-book ay £ 170, ang huling minutong pag-book ay £ 234, ang parehong mga pagpipilian ay maaaring mai-book sa pamamagitan ng naaangkop na pindutan sa ibaba.

Karaniwang Pag-book

Amber (parehong pagsubok) £234

Green (araw 2 lamang) £170

Naglakbay ako sa o pagkatapos
20/06/2021

Booking ng huling minuto

Amber (parehong pagsubok) £354

Green (araw 2 lamang) £234

Nagbiyahe ako dati
20/06/2021

MAG-BOOK NA

Bago ang isang tao ay magbiyahe patungong UK, kailangan nyang:

TEST BAGO MAGBIYAHE

Kumuha ng coronavirus (COVID-19) test na may negatibong resulta sa loob ng 3 araw bago magbiyahe.

MAG-BOOK NG TEST SA IKA-2 AT IKA-8 ARAW

Mag-book at magbayad ng travel test package na may kasamang mga test para sa COVID-19 na kukunin sa mismo o bago ang ika-2 araw o sa mismong o pagkatapos ng ika-8 araw.

Passenger Locator Form

Kumpletuhin ang passenger locator form na may mga detalye kung saan ang iyong home quarantine pagdating at ang travel test package booking reference number.

PAGHAHATID SA BUONG UK

Kami ay naghahatid ng swab sample packs sa lahat ng UK postcodes. Ang mga pakete ay may kasamang returns packaging at prepaid return postage labels. Maaaring sumangguni sa FAQs para sa mga oras ng sample kit delivery.

Sample collection video call

Mag-book ng vidoe call sa isa sa aming mga remote nurses na gagabay sa inyo sa wastong pagkolekta niyo ng sample.

NASA ORAS NA MGA PAALALA

Ikaw ay makakatanggap ng paalala sa resulta ng iyong test sa oras na naanalisa ng laboratoryo ang iyong sample.

MGA SERTIPIKO SA MGA RESULTA NG TEST

Maaari kaming magpadala ng sertipiko ng resulta sa iyong piniling email address.

RESULTA SA LOOB NG 12-18 ORAS

Ang mga resulta ay karaniwang nakukuha 12-18 oras pagkatapos matanggap ng laboratoryo ang sample para sa pagsusuri. Ang ibang mga resulta ay napoproseso sa loob ng 12 oras, subalit ang mga oras na ito ay hindi garantisado.

MAGAGAMIT NA FAST TRACK SERVICE

Isang garantisadong fast track service din ang maaaring gamitin, maaaring makipag-ugnayan sa help@agilishealth.co.uk para sa karagdagang impormasyon.

Ibalik ang iyong buhay sa landas kasama si Agilis

Mga madalas itanong

  • Anu ang nararapat kung gawin bago magtungo sa UK?

    Lahat ng galing sa ibang bansa ay dapat ma-quarantine sa loob ng 10 araw sa kanilang pagdapo sa bansa at kumuha ng COVID-19 tests sa ika-2 at ika-8 araw. Bago magtungo sa UK, ang isang indibidwal ay nararapat na:

    Makakuha ng COVID-19 test na may negatibong resulta 3 araw bago makapaglakbay.
    Mag-book at magbayad para sa isang Travel Test Package na magsasagawa ng COVID-19 tests bago o sa mismong ika-2 araw at sa mismo o pagkatapos ng ika-8 araw ng buong quarantine. Kumpletuhin ang passenger locator form na may detalye tungkol sa iyong home quarantine pagdating sa bansa at travel test package reference number. Para sa karagdagang impormasyon at patnubay mangyaring bisitahin ang: https://www.gov.uk/guidance/how-to-quarantine-when-you-arrive-in-england.

  • Gaano katagal bago dumating ang iyong sample kit?

    Lunes hanggang Biyernes
    Para sa mga bookings na natanggap bago mag 3 ng hapon, ang mga sample packs ay ipapadala sa mismong araw at ihahatid sa susunod na araw.

    Sabado
    Sa mga bookings na natanggap bago mag 11 ng umaga, ang mga sample packs ay ipapadala sa mismong araw at ihahatid naman sa Lunes. Para sa mga bookings na natanggap pagkatapos ng 11 ng umaga sa araw ng sabado at/o Linggo, ang mga sample packs ay ipapadala sa Lunes at ihahatid naman sa Martes.

    Kung may kritikal na pangangailangan, may mabilis na alternatibo na maaring gamitin para sa karagdagang bayad, kabilang ang bayad sa pribadong koreo.

  • Ano ang iba’t-ibang uri ng COVID-19 tests?

    May dalawang pangunahing uri ng test:

    Antigen test: ito ay tumutukoy sa presensya ng virus sa isang sample. May iba’t ibang uri ng test sa kategoryang ito na sumasakop mula sa mga tests na may mataas na pamantayan na isinasagawa ng mga akreditadong laboratoryo hanggang sa solusyon na nangangailangan lamang ng kaunti o walang aparato at makapagbibigay ng resulta sa loob ng 8-30 minuto.

    Antibody tests: ang mga test na ito ay para sa mga taong nakabuo ng antibodies at nahawaan ng virus dati.

  • Ano ang itinuturing na antibody test?

    May dalawang magkaibang uri ng Antibody tests:

    1. Lab based antibody test- isang test kit ang ginagamit upang kumolekta ng dugo sa isang pasyente na sinusuri naman sa isang laboratoryo. Ang mga ito ay itinuturing na ELISA tests. Ang mga ito ay lubos na eksakto at magsasabi kung nahawaan ka ng virus at nagkaroon ng antibodies dahil dito.

    2. Blood prick tests- ang mga test kits ay ginagamit ng mga bihasang propesyonal upang malaman kung nahawaan ka ng virus. Kailangan lamang ng kaunting patak ng dugo sa gamit na cartridge upang malaman ang resulta.

  • Maaari bang i-test ang mga tao sa aking pinagtatrabahuhan?

    Oo, kami ay nagbibigay ng iba’t-ibang solusyon mula sa regular na lab based testing hanggang sa regular na screening programmes. May solusyon na susuporta sa aming mga mungkahi na nauukol sa testing sa inyong mga opisina.

  • Kayo ba ay nag-aalok ng remote-only testing?

    Oo, may iba’t ibang solusyon kami para sa remote testing kung sakali nais nyo lang ng ad hoc testing.

  • Mutasyon ng COVID-19

    Ang kasalukuyang mutasyon ng SARS Cov-2:D614G SARS COV-2
    Nag-mutate na posisyon ng SNPs (single nucleotide polymorphism)
    Pagbabago ng nucleotide sa 23,403 base ng RNA mula sa adenosine (A) to guanine (G)
    Nag-mutate sa D614 ng spike protein (SP) na nagpapalakas sa binding affinity sa ACE2 receptor.
    Walang mutasyon sa nucleocapid protein (NP) of Sars Cov-2
    Sa makatuwid, ito ay walang masamang dulot sa aming kakayahan na matukoy ang COVID-19.

  • Polisiya sa Refund o Pagbabalik ng Ibinayad

    Ang polisiya ng Agilis ukol sa refund ay ang mga sumusunod:

    Kung ang sample pack ay hindi naipadala sa oras ng pagkansela, buong refund ang ibibigay.

    Kung ang sample pack ay naipadala, ito ay maaaring ibalik na may kaukulang bayad na 50 GBP kasama ang karagdagang VAT. Ang bayad ay irerefund at ibabawas ang 50 GBP at VAT.

    Kung ang sample pack naman ay nabuksan o nagamit, walang cancellation o refund na maipagkakaloob.

    Kung saan naaangkop, na tumutukoy sa mga kondisyon sa itaas, ang bayad sa refund ay makikita sa iyong bank account sa loob ng 7 araw pagkatapos matanggap ang naibalik na saradong sample pack.

  • Test To Release- Pinakamabuting oras para mag-book ng test

    Tandaan na kung ikaw ay magbo-book ng Test To Release, ang pinakamaagang oras ng pagkolekta ng sample ay sa loob ng 5 araw ng iyong quarantine, na naguumpisa sa unang araw ng iyong pagdating sa UK.

    Ang ibig sabihin ay maaari kang mag book ng test sa (Day 1) unang araw ng iyong quarantine, mag-empake sa oras at mag-arrange ng video call appointment sa ika-5 araw. Maaari naming ipadala ang sample sa laboratoryo isang araw pagkatapos ng test at makuha ang resulta sa loob ng 12-18 oras pagkadating sa laboratoryo (garantisado sa loob ng 24 oras pagdating ng sample sa laboratoryo.)

  • Fit To Fly

    Maraming pamahalaan at airlines na nangangailangan kang magpa-COVID test bago ka lumipad. Ang mga panuntunan ay iba-iba bawat pamahalaan o airline at iba ay tumatanggap ng antigen test, ang iba naman ay tumatanggap lamang ng PCR test at may kaunting pagkakapareho lamang sa oras na dapat kang kumuha ng test, ngunit madalas ito ay 48 hanggang 72 oras bago ka magbiyahe. Pakitingnan ang partikular na pangangailangan bago ka mag-book ng Fit to Fly test.

  • Nasaan ang clinic?

    Madalas, Agilis ay nag-oopera bilang home service. Ang aming serbisyo ay may kasamang video call galing sa aming mga narses na gagabayan ka sa pagkuha ng iyong sample. Tulad ng nasabi, kaya naming maghandog ng aming serbisyo sa buong bansa.

  • Karagdagang Patnubay Para sa Test to Release

    Tandaan na kung ikaw ay magtutungo sa UK galing sa mga bansang nasa red list, ikaw ay hindi maaaring sumali sa Test To release scheme. Maaaring tingnan and red list sa link na ito: Coronavirus (COVID-19): red list travel ban countries- GOV.UK (www.gov.uk).

    Mula 4 ng umaga sa ika-9 ng Enero, kung ikaw ay tutungo sa UK galing sa Namibia, Zimbabwe, Botswana, Eswatini, Zambia, Malawi, Lesotho, Mozambique, Angola, Mauritius, o Seychelles, ayon sa tagubilin ng pamahalaan ay dapat kang mag self-isolate sa loob ng 10 araw pagdating ng UK at hindi dapat kumuha ng test to release sa panahong ito.

    Karagdagan dito, mula 4 ng umaga sa ika-15 ng Enero, kung ikaw ay magbibiyahe patungong UK mula sa Argentina, Bolivia, Brazil, Chile, Colombia, Ecuador, French Guiana, Guyana, Paraguay, Peru, Suriname, Uruguay, Venezuela, Cape Verde, Portugal (kabilang ang Madeira at the Azores) at Panama, ayon sa tagubilin ng pamahalaan ay dapat kang mag self-isolate sa loob ng 10 araw pagdating ng UK at hindi dapat kumuha ng test to release sa panahong ito.

    Mula 4 ng umaga sa ika-29 ng Enero, parehong paghihigpit sa paglalakbay tulad ng nasa itaas ang gagamitin para sa Burundi, UAE at Rwanda at sinumang nagbiyahe mula sa mga bansang ito ay hindi dapat sumali sa test to release scheme.